
Noong 108th anniversary ng Iglesia ni Cristo, kaalinsabay ng 50th anniversary mula nang magkaroon ng presensya ang Iglesia sa Canada, inilawan ang Niagara Falls bilang paggunita sa okasyong ito. Ito ay nakuhanan ng mga kapatid sa Iglesia na nasa Canada.
Pero ang mga bonak sa Rappler ay nagawa pang i-“fact-check” at inangkin na hindi daw totoo ang pangyayaring ito kahit na napakaraming documented photo and video evidence mula sa mga kapatid na nasa Canada.
https://www.facebook.com/geromelaranang.palaganas/posts/1358760234533792
Ang sabi nila ay tinawagan nila ang Niagara Falls Illumination Board na nagbigay ng tugon na nagsabi na hindi daw nila pinailawan ang Niagara Falls noong July 26. Pero kung susuriin mong mabuti, at sa pamamagitan ng Google Search, mapapag-alaman na yung pinagtanungan ng Rappler ay nasa NEW YORK! EH NASA SIDE NG CANADA ANG PINAILAWAN NG TRICOLOR NG IGLESIA NI CRISTO!


Fact checking na nga lang, sablay pa. Napaghahalataan tuloy na may vendetta lamang ang Rappler laban sa INC at gagawin ang lahat para sirain ito kahit na wala namang ginawang masama sa kanila ang kahit sinong kaanib sa INC.
Dito rin lumalabas ang malaking problema ng ilang media outlets dito sa Pilipinas, na sa kagustuhan nilang makita ang mga sarili nila na sila lang ang dapat maging authority sa pagbabalita at dahil lamang sa protektado ng Saligang Batas ang freedom of speech at freedom of the press ay pakiramdam nila ay malaya na silang makapagsulat ng kahit na ano, dibale nang makasakit ng damdamin. Ayaw nilang kilalanin na sila’y tao lang na nagkakamali din, at hihingi lamang ng sorry kapag napahiya na at upang umiwas sa asunto.
Anyways, hindi na dapat pinag-aaksayahan ang mga katulad nito dahil sa ginawa ng Rappler ay lalo lamang lumabas na hindi sila tunay na news outlet at sila’y nag-eengage sa pagiging partisan dahil titirahin nila ang lahat ng tao at organisasyon na hindi kumukumporme sa mga naratibong nais nilang iparating, at idadamay ang mga relihiyon na kahit na wala namang ginagawang masama sa kanila ay sisiraan pa rin nila dahil lang sa hindi sila sumasang-ayon sa naratibong nais nilang ipakalat.
Hayaan na lang natin na bumulosok pa ang Rappler, at sa mga kapatid, enjoyin na lang natin ang pagdiriwang sa ika-108 taon ng Iglesia.