Matapos na makailang beses na muntik hindi matuloy dahil sa pangamba na ang karamihan sa mga kandidato ay mga may koneksyon sa ilegal na droga, matutuloy na sa Lunes ang Barangay at SK elections.
At mayroon akong napapansin. Na karamihan sa mga jingle ng kandidato ay base sa mga nauusong kanta. Bboom Bboom, Naradang, Hayaan Mo Sila, Dahil sa ‘Yo ni Iñigo Pascual, Despacito, at marami pang diba. Naka-full blast pa with kasamang pa-tambol pa.
Napakabaduy, ang laking pansira. Wala ba kayo ibang maisip? Pwede naman kayo gumawa ng sarili niyong jingle diba. Pilit nakikisakay sa uso. Baka may iilang natutuwa pero karamihan nababanas.
Kung sana lang bawing-bawi sa plataporma at palakad ano?
Well, kahit di pa ako botante (kahit nasa legal na edad na ako, sa 2019 na lang ako boboto), di ko pa rin maiwasan na maglabas ng saloobin bilang Pilipino. Napakagulong pulitika. Sige na nga, sana naenjoy nyo to. Kung may iba pa kayong experience, comment lang kayo.