Yung pakiramdam na lahat tayo ay nagsasawa na sa mga teleseryeng may paulit-ulit na storya, walang tigil na gantihan, patayan, landian, at kung ano pa man yan FIVE TIMES A WEEK, well, pati Sabado may teleserye na din.
Dahil sa malakas na hatak sa ratings ng Ipaglaban Mo!, ang legal drama anthology ng ABS-CBN sa Saturday afternoon slot, napilitan ang GMA Network na i-extend na lamang hanggang Sabado ang drama na Ika-6 na Utos na umeere Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga, na pinagbibidahan nila Sunshine Dizon at Gabby Concepcion. Kamakailan lamang ay sinubukan ng GMA na tapatan ang Ipaglaban Mo sa pamamagitan ng isa ring crime anthology na pinamagatang Case Solved kung saan naman host si Dingdong Dantes.
You may remember during the past few years ay GMA ang nauuna sa Saturday afternoon slot, with Startalk. Pero matatandaan na during the past years ay muling mas nagkakaroon ng advantage ang ABS-CBN sa iba pang timeslots, kabilang na din ang Sabado ng hapon. This shows how GMA is severely disadvantaged when it comes to programming.
But the larger problem, dahil sa kakulangan ng strategies at creativity when it comes to content, ay no choice na ang network kundi mag-extend na lamang ng teleserye, sa panahong nagsasawa na sa 5-days-a-week format ng teleserye, repetitive storylines, at mga run na dumedepende sa success ng teleserye. [Inamin ko na fan ako ng Ang Probinsyano pero nabwisit na ako nung ginawa nilang pugante at kriminal si Cardo. Halatang pinapahaba lang para tumaas ang ratings.] Dahil sa ganitong strategies ay dumadami na lalo ang nagdedepend na lamang sa downloaded series sa internet (mapa-US, South Korea, Japan man yan). Swertehan na lang kung naka-cable ka.
This is both a sign of desparation for GMA in particular and Philippine television in general. Wake up call na ito mga bes. Ayusin niyo programming niyo, introduce better concepts, bawasan ang teleserye, kundi mababawasan pa kayo ng viewership.
Paano naman yung TV5?
LikeLike