Ang nakakairitang telco system sa Pilipinas

Ano mararamdaman mo kapag nakaranas ka ng sobrang bagal na internet at sobrang bagal na customer service? Tapos yung ikaw na ang naperwisyo ikaw pa ang pagbabayarin? Nakakainis diba? 

That exactly was our experience. Common knowledge naman sa atin na ang internet sa Pilipinas ay isa sa pinakamabagal sa Asya pero isa rin sa pinakamahal. At marami sa atin ang nagtitiis na lamang sa free data no wonder kung bakit nagkalat ang mga kung anu-anong bagay na nakakasira ng utak. Yung feeling na pinagtutulung-tulungan tayo ng major telcos (Smart, Globe, PLDT, Sky)

Noong 2014, nagswitch kami sa SKYbroadband dahil nabagalan kami sa internet ng PLDT. So far so good naman ang speed, kahit minsan bumanagal din. 3mbps for 999. 

Fast-forward at ito na ang major turnoff. February 2016 nang magdecide kami na pag-isahin na lang ang cable and internet connection namin para isahan na lang. Upgraded pa ang cable plan namin para at the same time nakakanood kami in HD (Super Saver 1299 siya noon, 2mbps na net at free 549 cable plan).

Hanggang noong December 2016, biglang nawala ang internet namin. Dun na lang namin nalaman na may utang daw kami. P10,711 ata yun. Paano nangyari yun? At bakit namin babayaran yun? Huli na raw kami nagbayad noong Dec. 2015 pa daw. Supposed to be pinuputol na within 2 months. Eh nakapag-internet pa kami hanggang nung December ng isang taon? Makakapagmura ka talaga ng malutong. 

Yung isa pang nakakainis yung follow-up ka ng follow-up pero wala namang nangyayari. Isang buwan na huy! Tapos malalaman mong hanggang sa hindi “settled” ay di nila aayusin yun? Sila na nga tong nakaperwisyo sila pa maninigil? Rebate naman dyan oy. 

Sobrang naiinis ako halos itsa-itsahin ko na ang router at napapagalitan na ako ng nanay ko dahil baka madagdagan ang bayarin dahil nasira. At sa kakapa-follow up ko ay pati pangalan ni Duterte nahihila na dito. (Lopez may-ari ng SKY diba? And SKY is a sister company of ABS-CBN. Lagot!) Ewan ko na lang sa mga Globe at PLDT users dyan baka ganyan din experience niyo.

Di lang dito natatapos kalbaryo ko. Ngayon nagtitiis na lang ako sa tig-50 na load ng SMART. One day, 40 mb. Ang kunat. Tapos ubos na agad.

Dagdagan mo pa ng sobrang kunat na tig-30 minutes na free WiFi ng Globe. Sa SM o sa ibang lugar free 1 hour. 

Yung ang bagal-bagal na nga, ang kunat-kunat, mahal pa babayaran mo (sa Singapore nga P1,500 50GB na eh). Tapos kapag nagkaproblema, aabutin pa ng isang buwan.

Pag di pa nagbago sitwasyon dito, ay ewan ko na lang. Pero di ako magrarant ng ganito kapag ok pa internet namin eh ano? Wala eh, inano kami ng billing eh. Akalain mo, paano ka magkakautang ng ganun kalaki eh di naman lumalabas sa bill? Tas para i-reconnect pababayaran sa inyo?

Kainis na ah. Ang tagal. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: