Disclaimer: This post contains heavy amounts of sarcasm which some may not be able to handle, and may generate considerable amount of butthurt. Read at your own discretion. We will not be responsible for any backlash that may arise.
Ito na naman ang araw na ipagdiriwang ng mga Pepetards ang araw ng pagkamatay ng kanilang bayani na si Jose Rizal, na isang aktibista na wala namang ibang ginawa kundi maghanap ng chix at magpasarap sa Europa.
Hindi niyo ba alam na yang mga history books na binabasa ninyo ngayon ay may mga bias? Malay niyo baka hindi pa nga sila pinanganak noong panahon ng mga Kastila eh.
Atsaka yang bias na media na yan? Pagawa-gawa ng pelikula tungkol sa mga kabayanihan niya kuno? Mag-research nga kayo, hindi yung puro kayo ingay. Hindi kayo maka-move on eh.
Atsaka yung mga human rights violations na yan, hindi naman sila totortyurin ng mga Kastila kung hindi sila mga aktibista eh. Kung sumusunod kayo sa batas hindi niyo mararanasan ang mga naranasan ng mga aktibistang yan. Ang iingay eh. Ano ba nagawa niyo para sa bayan?
Yung iba galit na galit pa rin sa Kastila pero hindi pa naman sila pinapanganak noon eh. Sige nga. Wag niyo gamitin ang mga pangalan niyong tunog-Espanyol, wag kayo mag-aral sa Ateneo or sa UST. Wag kayo magpapagamot sa Hospicio de San Jose. Lumayas kayo sa Maynila, Cebu, Iloilo. Wag na rin kayo magsimba.
At teka, kung bayani talaga si Rizal bakit hindi siya nakalibing sa Libingan ng mga Bayani? Sige nga. Hindi kayo nag-iisip eh. Pero ang dapat ilibing diyan ay si Miguel Lopez de Legazpi.
Tanggapin niyo na lang na Golden Age ng Pilipinas ang pananakop ng mga Kastila. Maayos naman ang palakad nila kung di lang dahil sa mga bayarang Katipunerong ‘yan.
Ano masasabi niyo mga ka-DDS (Damaso Diehard Supporters)?
#RizalNotAHero
#KastilaPaRinMgaUlol
#GoldenAgeOfThePhilippines