#CHexit: Ano na ngayon ang gagawin natin?

Kahapon, July 12, ay nailabas na ng Permanent Court of Arbitration ang ruling nito na kung saan ay pinanigan nito ang Pilipinas, na siyang malinaw na indikasyon na walang legal na basehan ang 9-dash line ng China. Pero matapos mailabas ang ruling na ito ay iginiit ng China na hindi nila susundin ang desisyong ito ng korte at nagbabala sa mga maaari pang mangyari. Binalaan naman ng Amerika at Japan ang lahat na magpakita ng pagkahinahon para di pa lumala ang tensyong bumabalot.

Ngayon, ano na ang pwede nating gawin pagkatapos nito?

Matatandaan ninyo na isa sa mga foreign policy agendas ni Presidente Duterte ang normalisasyon sa ating pakikipag-ugnayan sa China, at ang pagtulong nito sa mga infrastructure projects gaya na lamang ng railways, at ang maaaring hatian sa natural resources (kung saan napuna dito si DFA Sec. Perfecto Yasay).

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga magiging hakbang nito, subalit kailangan pa rin nating mag-ingat.

Kung sa perspektiba ng China natin pagbabasehan (yan ay ang bilateral talks), ay magkakaroon tayo ng malaking advantage. Maaari rin nating pag-ibayuhin ang ating kapasidad pang-militar (imumungkahi kong bumili mula sa Russia, dahil sa kalidad at magiging epektibo itong pang-deter sa China dahil magdadalawang-isip na ito sa mga susunod nilang hakbang dahil nakikipag-ugnayan tayo sa kanilang major partner, gaya na lang ng ginawa ng Vietnam na bumibili ng armas sa Russia at kamakailan lang ay pinagbuti rin nito ang relasyon sa Amerika).`

Hindi lang Pilipinas ang makikinabang dito, pati na rin ang mga iba pang claimants gaya ng Vietnam, Malaysia, Brunei, at pati na rin ang Indonesia na nahihila na rin.

Pero dahil nga sa matigas ang ulo ng China, ay talagang doble ingat nga kailangan natin, lalo na nga’t isa itong major trading partner ng Pilipinas at ng mga claimant. Ang tanging paraang maiisip natin ay kung, magkaroon ng balasahan sa Partido Komunista kung saang mga mahihinahon at bukas na pag-iisip ang mananaig.

At sa Pilipinas, kailangan na talaga nating pagbutihin ang ating defense capabilites dahil sa hindi tayo tiyak sa kung ano ang mangyayari.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: