Notice: Sana mapagtuunan din ito ng pansin dahil malaki ang papel na ginagampanan ng media sa paghubog sa ating pagka-Pilipino.
Kagabi nakausap ko ang isa sa mga reporters ng government-sequestered IBC 13 na 30 taon nang naghihintay sa privatization. Marami na ang kanilang pinagdaanan, maraming palabas at artista ang nawala sa kanila, maraming beses nang hindi nabigyan ng sweldo at benepisyo, at maraming administrasyon na ang lumipas pero heto pa rin sila.
(Noong 2014, bumuo kami ng aming mga kaibigan ng isang munting FB page para makatulong dahil nga sa isa sa mga problema ng IBC 13 ay ang kakulangan ng social media presence.)
Paano tayo humantong sa ganito? Noong 70s, 80s, 90s at early 2000s ay nakilala ang IBC 13 sa mga programa na masasabi natin na parang kagaya na ng mga nakikita ng karamihan ngayon sa ABS-CBN, GMA, at TV5, mga cartoon, sitcoms, game shows, atbp.
Dahil nga sa hawak ng gobyerno, ibig sabihin kada palit ng administrasyon ay magpapalit na rin ng management (na sabihin nating wala pang karanasan sa mass media) at sa dami ng mga problema ng bayan ay napapabayaan na. Sobrang napabayaan na na umabot sa puntong TV shopping at sabong na palabas. Isama mo pa mga utang at unpaid benefits. Sino ba naman gaganahan diba? At halos monopolisado na ng ABS at GMA ang merkado.
Ngayon, palit na naman ng administrasyon. Noong January, nagpasa na ng batas si PNoy na isasapribado na raw (may presyong P1.977 billion, laki diba?) at ilalabas sa Abril ang invitation to bid (natabunan na ng eleksyon).
(So far si Ramon Ang at Eric Canoy ng RMN pa lang interesado magbid).
Ngayong may bagong uupo, at ang kamag-anak nila sa Channel 4 ay pinansin na at pagagandahin, sana ito rin. Nakakasira rin kasi sa interes ng publiko. Yung alam mo nang wala na ngang kwenta mga palabas pero wala kang choice pero sila pa rin panonoorin mo kasi walang kumpetisyon. Wala ka ring magawa, wala kang pera magproduce ng sarili mong programa. Di ka makahingi ng pera dahil di naman ikaw ang main station. Problema ano?
Sana kahit paano, magawan ng paraan. Maglagay kayo balita sa tanghali, mga replay ng lumang palabas.
Pero heto mas maganda: PAG WALANG GUSTO BUMILI, KESA NAMAN MAGSARA, PANINDIGAN NIYO NA LANG. GOBYERNO NA MISMO MAGBREAK SA MONOPOLYA, PARANG SA IBANG BANSA. KAYA NGA PUBLIC BROADCASTING DIBA? Mas maganda yun, para di na puro tae palabas sa TV.
Pero di naman natin hawak ang bagay na yan, maghintay na lang tayo sa kung ano mangyayari. For the interest of their hardworking employees and the general public. Magmasid na lang muna tayo.
Very informal pero may point but watch out for my version — a consolidated sermon next month.
P.S. Don’t show this to Kelvin Oloroso. He’s bitter.
LikeLike
baka pa may masabi. haha
LikeLike