Pagkatapos umani ng iba’t ibang reaksyon ang mga komento ni President-elect Rodrigo Duterte ukol sa mga media killings noong May 31, 2016, na maging mitsa para manawagan ng boycott ang international organization na Reporters Without Borders sa PH media (na hindi sinunod ng KBP at NUJP), minabuti na lamang niya na idaan na lamang sa PTV 4 ang kanyang mga pahayag para makaiwas sa miscommunication, at dahil dito, lumaki bigla ang interes ng publiko sa istasyong ito na matagal nang hindi napagtutuunan ng pansin dahil sa kakulangan ng pondo at political will at dahil sa malakas na impluwensya ng mga pribadong media outlets gaya ng GMA-7, TV5, at ABS-CBN.
Bago tayo magpatuloy, ano nga ba ang PTV 4?
Ang PTV 4 o People’s Televsion Network ay ang pangunahing himpilang pantelebisyon na pag-aari ng pamahalaan, at ang pangunahing layunin nito ay ilapit ang pamahalaan sa mamamayan. Nagsimula itong magsahimpapawid noong 1974, dalawang taon matapos ipasara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ABS-CBN. Ginamit ng crony na si Roberto Benedicto (may-ari ng RPN 9 at IBC 13) ang channel 2 (at naging BBC 2), at ang channel 4 naman ay napasakamay ng gobyerno ang channel 4 at nakilala ito sa tawag na Government Television (GTV-4). Noong 1980, ito ay pinangalanang Maharlika Broadcasting System (MBS) at nagsimula na ring magbroadcast sa color, pinakahuli sa 5 istasyon noon.
Noong kasagsagan ng People Power Revolution, ang compound nito sa Bohol Avenue (na ngayo’y headquarters ng ABS-CBN) ay nilusob ng mga rebeldeng sundalo at ang mga pasilidad nito ay ginamit ng oposisyon para himukin ang tao na sumama sa pag-aaklas laban sa pamahalaang Marcos, at nakilala na ito sa bansag na People’s Television. Matapos tumakas ang pamilya Marcos patungo sa Hawaii at pormal nang naluklok sa pwesto si Pangulong Corazon Aquino, isinoli sa mga Lopez ang channel 2, samantalang ang Channel 4 ay nanatili sa poder ng pamahalaan upang maging opisyal na istasyon ng pamahalaan.
Sa mga sumunod na taon, nakilala ang PTV sa mga pag-cover nito sa mga mahahalagang sporting events tulad ng Southeast Asian games at ng Olympics, at sa mga mahahalagang yugto sa ating kasaysayan gaya ng APEC Summit sa Subic Bay noong 1996. Naging mahalaga rin ang ginampanan nito para sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng CONSTEL.
Noong 1992, sa panunungkulan ni Pangulong Cory Aquino naipasa ang Republic Act 7306 kung saan nailatag ang kanilang charter na noong 2013 ay inamyendahan ni Pangulong Noynoy Aquino matapos malagdaan ang Republic Act 10390 kung saan pinahihintulutan na itong makipagsabayan sa mga naglalakihang private-owned media outlets (ABS-CBN, GMA 7, TV5) at binibigyan ito ng karagdagang P5 bilyong pondo.
Ngayon, sa kabila ng mga naibigay natin na profile kung ano ang PTV, bakit ngayon lang pinansin? Ito ay dahil sa persepsyon ng mamamayan na ito ay propaganda lamang ng pamahalaan dahil ang ilan sa mga programa nito ay naglalayon na bigyang kabatiran ang mga manonood sa mga programang isinusulong ng mamamayan, at sa lawak ng impluwensya ng tatlong private media firms ay nagiging masikip na ang labanan at napapagiwanan ang mga mas maliliit na istasyon.
At dahil sa desisyon ng president-elect Duterte na idaan na lamang sa PTV 4 ang kanyang mga pahayag, dumami bigla ang nagkainteres dito. Mabuti na lamang daw na may istasyon ang gobyerno na makakapagbalita ng maayos na di gaya ng mainstream media na kanilang binabatikos dahil sa animo’y “bias”.
Kamakailan lamang ay naitalaga sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang ahensya na may hawak sa PTV 4 na siya ring humahawak sa iba pang media assets ng pamahalaan ang broadcaster na si Martin Andanar. Agad na nailatag sa kanyang agenda na pagbutihin pa ang PTV 4 at maging kagaya ng BBC. Nasabi rin niya sa isang interview na:
“Sayang naman kasi. If you check out UK, may BBC [British Broadcasting Corp.]. Merong CBC [Canadian Broadcasting Corp.] sa Canada, may PBS [Public Broadcasting Service] sa Amerika, may ABC [Australian Broadcasting Corp.] sa Australia, at ang gaganda ng kanilang public broadcasting service eh. Bakit tayo hindi? Bakit tayo, bulok?”
Para maging patas naman tayo, nailatag ng kasulukyang administrasyon ang mga pundasyon para sa isang epektibong medium para ilapit sa mamamayan ang pamahalaan, ngayong malapit na ang pagpapalit ng administrasyon, makakaasa na siguro ang marami na sawang-sawa na sa paulit-ulit na mga teleserye at puro tsismis at sensationalism na nakikita ng marami sa mainstream media tungo sa isang maayos na public broadcaster na siyang magtutuon ng pansin pagpapalawak ng impromasyon at magbibigay boses sa sambayanan.
Sana nga ay maging kahanay na tayo ng maraming bansa gaya ng Japan, Australia, UK, Canada, atbp. na ang public broadcasters ang siyang pinagkakatiwalaan ng mamamayan.
Sa media man, at maging sa kabuuan, talaga ngang change is coming.
Wow, Josh. I think your topic will have a differnt sentiment on my own Turf. I am currently clipping news related to this and it will be uploaded this July.
Anyway, watch out for the Inauguration Insight this coming June 19.
LikeLike
something quite critical? yeah, I’ll watch out for that.
LikeLike
paano ba naman kasi, ngayon lang pinansin na para bang ngayon lang nalaman.
LikeLike
That will be a great lecture for “dummies” and the so-called trools na ngaoyn lang napansin na may PTV 4 NA PALA
LikeLike
kaya nga eh. sheesh
LikeLike